Maganda ang hinaharap ng billiard players sa bansa, sa muling pagbabalik ng Bugsy Promotions sa ilalim ng pamumuno ng negosyanteng si boss Perry Mariano.
Sa panayam ng ONE BALL kay Mariano kamakailan tiniyak nitong magkakaroon ng pagbabago ang kalagayan ng mga manlalaro ng billiard sa bansa.
Kabilang sa mga plano ni Mariano sa mga darating na panahon na magkaroon ng suweldo, makapag-aral o scholar sa mga universities at colleges, at mawala ang entry fee sa billiard players.
Nais din niyang mawala ang lumang kaugalian ng mga tao na ang larong bilyar ay isang sugal na minsan nang ipinagbawal malapit sa mga paaralan.
Ayon sa kanya, kung ang basketball players ay nagkaroon ng scholarship sa mga unibersidad at kolehiyo, bakit hindi gawin sa billiard players?
Nais din ni Mariano na habang naglalaro ang billiard player ay nag-aaral din siya.
Magkakaroon din ng drafting tulad ng ginagawa sa PBA players na sasama sa Sharks Billiards Association (SBA).
Karamihan kasi sa mga naglalaro ng bilyar ay tambay o tumigil na sa pag-aaral kaya nagiging mababa ang pagtingin sa kanila.
Tiniyak din niya na hindi nila pagkakakitaan ang billiard player sa kanilang mga isasagawang tournaments tulad ng ginagawa ng ibang handler.
Anya, hindi “winner take all, kundi “winner take some” dahil pinaghahatian ng handler ang nakukuhang premyo ng mga manlalaro.
Nangyayari sa billiard players kumita ngayon sa mga susunod na araw ay taghirap na naman.
Karamihan din sa kanila ay ginagamit ng ilang mga negosyante para sa kanilang pansariling interes o pinagkakakitaan sila.
Isinusulong din ni Mr. Mariano na magkaroon ng pensyon ang billiard players sa pagtanda ng mga ito.
Marami sa kanila matapos ang panahon ng kanilang kasikatan ay muling bumabalik sa paghihikahos.
Anya, kinakailangan magkaroon ng dignidad ang isang billiard player na malagay siya sa history ng billiard na ikararangal ng kanyang mga kamag-anak at nang bansa.
Nakalulungkot din na hindi nabibigyan ng pagkilala ng gobyerno ang mga Pinoy naging world champion sa larong bilyar.
Samantala, kaliwat-kanan namang natatanggap ng parangal at pagkilala ang mga Pinoy na boksingero na naging world champion tulad kay Manny Pacquiao.
Ayon pa sa big boss ng Bugsy Promotions mas sisikat sa larong bilyar ang mga Pilipino dahil likas tayong maliliit na tao.
Kung pagtutuunan lamang ng pansin ng gobyerno ang larong bilyar darating ang panahon ay pinakamamagaling tayo sa buong mundo.
Binanggit ni Mariano na nakadidismayang panoorin ngayon ang PBA dahil makikita natin na hindi tunay na Pilipino ang mga naglalaro dito kundi mga negro.
Kaya nawawalan na ng following ang PBA, paano nga naman gaganahang manood ang mga Pilipino sa PBA kung ang naglalaro naman ay negro?
Sa ganang akin ay mali ang binibigyan natin ng pansin, imbes na dun tayo sa may pag-asang tayong maging number 1 (bilyar) ay sa PBA pa tayo naka-pokus.
Buti na lang may Perry Mariano na may malasakit sa billiard players sa Pinas.
Abangan!….ang BUGSY SPORTS 10 BALL OPEN tournament ng Bugsy Promotions na magsisimula sa Hunyo 24 hanggang 30, 2024.
Para sa mga katanungan tumawag o magtext sa cels# 0960-277-7662 / 0905-207-3663.